Sabado, Mayo 24, 2014

The love story, from a man's point of view.

This story was written in 2010, by my partner. Its somehow a story of his life and how we came to be. This is written in Tagalog, and it doesn't have an english translation yet. I hope Filipino readers here would like it.

Ako si Jake. Isa akong mapangarap na tao. Ako ay 19 years old. Simula pa nung bata ako, pangarap ko ng maging isang basketball player. Hayaan niyong ikwento ko ang aking buhay.

Nagsimula akong mangarap na maging basketball player nung ako ay Grade 1 pa lang. Gustong gusto kong maglaro ng basketball, masaya ako tuwing naglalaro ako. Tuwing nag lalaro ako, gusto ko ako ang pinaka magaling kaya ginagawa ko ang lahat, at marami namang natutuwa dahil magaling daw ako.

Ang problema lang, masyado akong mahiyain.

Lalo na nung tumaba ako. Gusto kong maglaro palagi ng basketball, kaso sa tuwing hawak ko na ang bola parang nahihiya ako gumalaw, kasi baka pagtawanan ako. "Pano kung di ko maipasok yung bola? Pano kung nagkamali ako ng galaw? Pagtatawanan lang nila ako." Yan ang lagi kong naiisip nung sobrang taba ko.

Grade 6 ako nun, tinigil ko ang pagba-basketball. At nainis ako sa sarili ko nun. Lalo na nung may crush ako sa school, ang pangalan niya ay Sera. Maganda siya. Maputi, mabait, at matalino. Mahilig siya sa magaling magbasketball. Dun ako nag simula ulit.

Intrams sa school nun, sumali ako. Naka-dalawang laban na kami na puro talo. Ang nakakaasar pa nun kasi kahit isang segundo, hindi ako pinasok. Kasi walang tiwala sakin mga kaklase ko, kasi nga mataba daw ako, ano daw ang gagawin ko sa court. Magpapatawa lang daw ako. Hanggang natapos na yung intrams, hindi ako nakapaglaro. Hindi ako nakapag-pasikat kay Sera.

Galit na galit ako sa mga kaklase ko nun. Lagi pa akong binubully kasi daw mataba ako at mahiyain.
Bakasyon na, tapos na ang 1st year high school. 2nd year na ako next year. Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari nun, at si Sera. Kaya naisipan kong magpa-payat at maglaro pa ng basketball para maipalam sa lahat na magaling ako.

Sinimulan ko ang pagpapayat ko. Hindi na ako kumakain ng hapunan at almusal. Sa tanghali lang ako kumakain, at konti lang rin yun. Tuwing hapon, nag lalaro ako ng basketball kahit wala akong kalaro. Iniimagine ko na ako si Michael Jordan, at may mga kalaban ako. Para lang pagpawisan ako.
Isang buwan ang nakalipas, pumayat na ako. Nagulat ang mga tao nung nakita ako kasi sobra daw ang pinayat ko. Nagkasakit pa nga ako nun kasi hindi ako nagkaka-kain.

Pasukan na.

Nagulat din ang mga kaklase ko sa pinayat ko, lalo na yung mga babae. Ang gwapo ko daw. Maraming nagkagusto sakin nun kaya ako yumabang.

May bagong studyante nun, ang pangalan niya ay Olivia. Sobrang ganda niya. Maputi at matalino din. Gusto siya ng lahat ng lalaki. Sabi ko sa sarili ko, "Mapapasakin din siya".

Ang kaso dito sa babaeng ito, madami siya kung mag-boyfriend. Pinag uusapan siya palagi. Malandi daw siya, kadiri.. Pero bakit gusto pa rin nila si Olivia? Kasi nakakabighani talaga siya. Naisip ko na hindi pa niya nararanasan magmahal ng seryoso, kaya siya ganun.

Intrams na uli sa school nun, sinubukan kong magpasikat. Ang kaso, busy siya sa boyfriend niya nun, hindi niya napapanood tuwing may laro section namin. Pinapasok na ako nun kasi napakitaan ko na sila kung gano ako kagaling.

Kaso ibang mga babae naman ang nagchi-cheer sa akin.

Bakasyon uli, ang iniisip ko naman kung paano siya mapapasakin.

Nung bakasyon na yun, sabi ko sa magulang ko, lilipat na ako, kasi walang varsity sa school ko. Pero di sila pumayag kasi hindi sila sang-ayon na mag-basketball player ako. Gusto nila mag-trabaho ako sa ibang bansa, o mag-barko. Sumunod naman ako, hindi ko na pinagtanggol ang pangarap ko.

Pasukan na ulit, 3rd year na ako. Nakita ko nanaman si Olivia, at siyempre, iba nanaman ang boyfriend niya. Siyempre, usap-usapan nanaman siya.

Isang gabi, nag lalaro ako ng Ragnarok, ng bigla akong na-disconnect dahil maintenance daw ito. Chineck ko ang YM ko. Nakita kong online si Olivia. Nagulat ako kasi friend ko siya.

Binuzz ko siya, kasi nakalagay sa status niya, malungkot siya. Sabi ko sa sarili ko, "Pasayahin ko kaya 'to? I-comfort ko kaya?" Ginawa ko. Nag usap kami. Tinanong ko, "Bored ka?" sabi niya, "Oo". Tinanong ko siya kung gusto niya ng laruan para di siya ma-bore. Sabi niya, "Sige", at don na nag simula ang masaya naming pag-uusap.

Gabi gabi akong nago-online at inaabangan siya. Simula nun naging close na kami sa chat. Sa school naman, lagi niya akong binabati ng "Hi". Sa tuwing sinasabi niyang, "Hi Jake!" hindi ko na maalis ang mga ngiti ko.

Intrams ulit, iba nanaman ang boyfriend niya. Lower batch samin. Monthsary nila, 10. Ang number ng jersey ko, 10. Akala ng iba monthsary namin yun. Eh 10 naman talaga kasi number ko. Nagkataon lang.

Dumating ang JS Prom. First time kong ma-eexperience at ako ang tinanghal na "Mr. Charming". Masaya nag JS, napakahiwagang gabi para sa akin. Lalo na nung natapos na ang program namin, lumapit sa akin ang kaibigan ni Olivia. Sabi niya sakin, tawag daw ako ni Olivia don sa parking lot. Dun naging mas mahiwaga dahil bigla niyang banat, "Di mo naman ako iiwan diba?" Hindi ko alam ang sasabihin ko, napa-oo na lang ako at agad agad niya akong hinalikan. Para bang pakiramdam ko non e may tumutugtog na music sa paligid at kaming dalawa lang ang nandun. Paulit ulit niyang tanong yung "Di mo naman ako iiwan diba?" Sabi niya, makikipag-break na daw siya sa boyfriend niya.

Ang tagal naming magkayakap. Ang saya ko nong gabing yun, buong gabi talaga akong nakangiti.

February nangyari yun. Lumipas ang ilang araw ay niyaya ako ng mga kaklase ko uminom. Dun ko nakilala ang mas higher batch pa samin, si Olive. Halos pareho lang ng pangalang Olivia.

Maganda siya, maputi rin, at pareho ng ugali ni Olivia.

Napasarap ang inuman namin. Hindi ko alam pano nangyari, pero bigla ko na lang tinabihan si Olive. Dun ko nalaman na may gusto pala siya sakin. Nainggit ang mga kaklase kong kainuman namin. Sabi pa nga nila, "Yari ka kay Olivia". Pero hindi ako natakot dahil hindi pa naman kami ni Olivia.

Buong gabi kaming magkausap ni Olive. Nakahawak ang kamay ko sa bewang niya, habang magkatabi kami. Nung uwian na, bigla kaming nahinto dahil yung isang kasama namin lasing na. Nakahandusay na sa kalsada. Nagyakapan kami ni Olive at bigla niyang tanong, "Gusto mo tayo na lang?" Tanong ko naman, "Mahal mo ko?" Sumagot siya ng "Oo, matagal na." Hindi ako sumagot. 

Natapos ang gabing yun, ka-chat ko nanaman si Olivia. Hindi ko sinabi ang tungkol kay Olive. Masaya kaming nagchat at lagi ko siyang tinatanong kung break na sila. Ang lagi naman niyang sagot, "Naghahanap pa ako ng dahilan." Tuwing sinasabi niya yun, parang umaayaw na ko. Pero ayaw mabawasan ng pagmamahal ko sa kanya.

Biglang may kumalat na tsismis tungkol samin ni Olive. Hindi ko alam kung pano, pero nalaman ko dahil kay Olivia. Pinakita niya sakin yung picture namin ni Olive na magkatabing natutulog.
Naging masungit sakin si Olivia nun. At wala akong nagawa kundi mag-sorry ng mag-sorry. Araw araw, explain ako ng explain. Para bang kami na kung mag-sorry ako. First time ko mag-sorry sa babae ng ganun. Nagpapakabaduy na nga ako nun eh. Nagpapatulong pa ako sa kaklase ko mag-english, tapos sasabihin ko kay Olivia.

Pero hindi rin nagtagal ay naging okay kami ni Olivia.

Hindi rin nag-tagal, naging kami na talaga. March 6 nun. 

Lagi kaming magkasama, at tuwing uwian namin ay hinahatid ko siya sa kanila. Masaya kami palagi pag magkasama. Para bang pakiramdam ko, eh kaming dalawa lang ang tao sa mundo, wala kaming pakialam sa buong mundo.